Skip to main content

Sa kabila ng mga hakbang na nagsusulong sa mga karapatang pantao, nananatiling maraming balakid sa pagkamit ng buhay may dignidad para sa maraming tao. Laganap pa rin ang kahirapan, digmaan, pang-aabuso, kawalan ng edukasyon at trabaho, at iba pa. Dagdag pa rito ang mga bagong suliraning kinakaharap ng daigdig gaya ng  pagkasira ng kalikasan, mga sakuna, at paglobo ng populasyon. 


Ito ang mga dahilan kung bakit napagtanto ng mga eksperto na maaaring hindi sapat ang mga indibidwal na karapatan gaya ng mga karapatang sibil, pulitikal, panlipunan, pangkabuhayan, at pangkultura. Iminungkahi nilang pagtibayin din ang iba pang uri ng karapatang pantao. Pangunahin rito ang mga karapatan sa mapayapang pamumuhay, malusog na kalikasan, at maunlad na lipunan.

Sa araling ito, matutunghayan mo ang mga batayang konsepto, probisyon, at mga hakbang na isinasagawa upang maisulong ang mga karapatang ito. Tatalakayin din sa araling ito ang mga tungkuling dapat gampanan ng pamahalaan at ang iyong bahagi bilang isang mamamayan sa pagtataguyod ng mga karapatan para sa kapayapaan, kalikasan, at kaunlaran.

Skill Level: Beginner

loader image