Skip to main content

Mayroong mga tao na namumuhay sa kapaligirang relatibong mapayapa. Malaya nilang naisasagawa ang mga pang-araw-araw na aktibidad. Nakatutungo sila sa iba’t ibang lugar nang walang pag-aalala sa kanilang seguridad, at pagsapit ng gabi, nakatutulog nang matahimik at may kapanatagan.

 

Subalit hindi lahat ng tao ay mapalad na nakatatamasa ng kapayapaan. Sa Pilipinas mismo, mayroong mga taong namumuhay sa gitna ng mga sigalot at digmaan. Malayo sa pagiging malaya at ligtas ang buhay ng mga sundalo at mandirigmang lumalahok sa armadong labanan. Malayo rin sa pagiging matahimik at mapayapa ang buhay ng mga sibilyang nakatira sa mga lupaing pinaglulunsaran ng mga labanang ito.

 

Ano ang mga panganib na dulot ng digmaan sa mga karapatan ng mga taong sangkot dito? Umiiral nga ba ang mga karapatang pantao sa panahon ng mga labanan? Sino-sino ang may obligasyon na kilalanin, protektahan, at tuparin ang mga ito?

 

Sa module na ito, pag-aaralan ninyo ang mga karapatan at proteksyon sa ilalim ng batas na pinaiiral sa gitna ng labanan. Mauunawaan ninyo na may karapatan ang lahat ng nasasangkot sa digmaan—may panig man o wala, aktibo man sa labanan o hindi—sapagkat sila ay mga tao. Higit pa riyan, mapagtitibay ang inyong pagpapahalaga sa pagkilala, pagtanggol, at pagtupad sa mga karapatan ng mga tao sa gitna ng labanan.

 

Layunin ng Module

Nilalaman ng Module

Matapos ang pag-aaral sa module na ito, inaasahang magagawa ninyong:

 

●      ipaliwanag ang prinsipyo, saklaw at kahalagahan ng batas na pinaiiral sa gitna ng labanan o international humanitarian law;

Aralin 1: Ang Kahalagahan at Saklaw ng mga Batas na Pinaiiral sa Gitna ng Labanan

●      tukuyin ang mga proteksyon at restriksyon sa ilalim ng batas na pinaiiral sa gitna ng labanan; at

Aralin 2: Mga Proteksyong Nakapaloob sa mga Batas na Pinaiiral sa Gitna ng Labanan

●      isulong ang promosyon at proteksyon ng mga batas na pinaiiral sa gitna ng labanan.

 

 

 

Aralin 3: Obligasyon ng Estado sa mga Batas na Pinaiiral sa Gitna ng Labanan


Skill Level: Beginner

loader image